Sabado, Marso 16, 2013

I Hate This But Still I LOve It :)


Ito ako ngayon nakaharap sa salamin. Nagmumuni-muni, nag-iisip-isip sa kung anong magandang gawin. Sa mga ganitong panahon maraming pumapasok na kung anu-ano sa utak ko. Naalala kong bigla siya, ang lalaking minsan ng nagbigay ng saya at kilig sa puso ko. Yung lalaking andyan para sa akin. Sa tuwing naalala ko ang mga panahon na iyon, ang ngiti sa aking puso ay walang mapaglagayan. Siya ang naging inspirasyon ko noon sa mga bagay na ginagawa ko. Siya rin ang nagpapaganda at nagpapasaya ng araw ko. Lalo na sa mga panahon na sobra na akong napapagod.
Sa di inaasahang pagkakataon ay bigla ko na lamang nakalkal ang isa kong wallet. May kalumaan na rin ito. Ngunit doon ay nakita ko ang mga larawan namin. Larawan ng mga panahon na sobrang saya namin. Walang mapaglagyan ang tuwa sa aking puso ng aking muling masilayan ang mga larawan na iyo. Buo pa sa aking mga ala-ala ang mga nangyari sa mga panahon na iyon. Noon ay kuntento na ako sa simpleng patingin-tingin sa kanya, hanggang sa naging magkaibigan na kami. Doon ko na realize kung gaano kahalaga ang isang tulad ko sa kanya bilang isang kaibigan. Ngunit isang pagkakataon ang nagpasakit sa damdamin ko.
“Totoo ba na gusto mo ako ?” nagulat na lamang ako ng bigla niyang tanungin iyon sa akin. Sa mga panahong iyon ay parang gusto ko na lamang akong kainin ng lupa. Syempre hindi ako umamin dahil baka may magbago sa aming dalawa. “Ah, sabi ko na nga ba eh! Basta BESTFRIEND pa rin tayo ha”. Salamat na rin sa mga pahayag niya na iyon dahil simula nung araw na iyon ay nilimitahan ko na ang sarili ko sa paglapit ko sa kanya. At inisip ko na lamang na mas maganda kung magiging magkaibigan lang kaming dalawa . hindi rin naman nagbago ang pakikitungo naming sa isa’t-isa  at lagi niyang pinapa-alala sa akin kung gaano siya kasaya at nakilala niya ang isang tulad kong kaibigan. Isinantabi ko  ang lahat ng nararamdaman ko sa kanya at lahat ng bawat gawin niya ay hindi ko na iniisipan pa ng malisya. Kahit na ilang taon man ang lumipas mananatili siyang isa sa aking mga kaibigan. Sa ngayon, ay wala na kaming komunikasyon. Hindi na siya nagtetext at maging ako rin sa kanya. Iniisip ko na bawa bagay ay may limitasyon. Kung maikukumpara sa bangin, kung alam mong malapit ka na sa limitasyon huwag ka ng tumuloy pa. Dahil kapag nahulog ka ay masasaktan ka lang ng lubusan .

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento